Saturday, May 19, 2012

Smooth Ang Lasa Ng Grand Matador Brandy...Nakakagulat Sa Presyo Nitong 68 Pesos Lang.


Hindi na naman kami nagluto ng hapunan kagabi, kaya ayun bumili na lang ulit ako ng ulam sa labas. Dating gawi, dumiretso ako sa Chooks to go para sa manok nila. Walang liempo sa binibilhan kong chooks to go sa moonwalk dahil ayaw nilang mahaluan ng amoy karne ng baboy ang oven nila.

Gusto nilang pangalagaan ang mga customers nilang muslim kaya minabuti nilang wag nang magtinda ng liempo sa branch na ito ng chooks. Ayun napilitan tuloy akong pumunta sa kalapit na Andoks para bumili ng liempo.

Habang nag hihintay sa pila ng bumibili sa andoks, nakita ko ang mga tinitinda nilang refreshments at alcoholic drinks. Sa bandang taas ay namataan ko ang bote ng Grand Matador na long neck. Nagka-interes ako kasi me free na shot glass. Nakakatuwang tingnan.

 Hindi ako likas na umiinom. Halos hindi ko na maalala kung kailan ako huling nalasing. Paminsan-minsan ay umiinom ako ng isa o dalawang bote ng Tanduay Ice pero hindi ito malimit. Bihira din akong uminom ng hard dahil napapaitan ako sa lasa.

Simula pa noon ay hindi ko na nagustuhan ang lasa ng hard drinks. Masyado kasing mapait. Yun ang pinaka dahilan kung kaya hindi ako naging malakas sa inuman. Pero kagabi na curious ako sa Grand Matador. Tinanong ko sa tindero kung magkano yung long neck kasi yun yung merong free shot glass. 68 Pesos lang daw.

Ayun bumili na rin ako ng isang long neck. Bumili rin ako ng dalawang pakete ng Nestea iced tea mix. Naisip kong gumawa ng iced tea para me chaser. Ayun pag-uwi ko e binuksan ko na yung grand matador. Hinugasan ko yung shot glass at nag-shot na ako.

Medyo nagulat ako ng malasahan ko yung grand matador. Kasi hindi sya masyadong mapait, hindi katulad ng Fundador talagang matapang. Ang naalala ko lang na ganito rin ka smooth inumin ay Hennessy Cognac (http://en.wikipedia.org/wiki/Hennessy)

Naka apat na shot ako ng Grand Matador kagabi at medyo tinamaan ako. Nakakatuwa lang kasi talagang smooth yung Grand Matador.

Sa napaka-murang halaga hindi mo aakalain na kumpara sa mga mamahaling brandy eh mas smooth sya. Saludo ako sa Ginebra San Miguel ang gumawa ng Grand Matador!

No comments:

Post a Comment