Thursday, May 31, 2012

Selecta Pa Rin Ang Ice Cream Namin


Simula ng mag bakasyon ay halos araw-araw na akong bumibili ng ice cream. Ito nga ang sinasabi ni misis na dahilan kung bakit nagsitabaan kami ng tatlo kong anak, at maari ngang totoo ito. Kasi bago magbakasyon ay hindi naman ganito kataba ang mga bata. Halos parehas pa rin naman ang kain nila, ang kaibahan lang eh ngayon halos araw-araw akong bumibili ng ice cream.

Ang siste pa minsan ay tatlong litro ng ice cream ang binibili ko (dalawang 1.5 liters). Kasi ang lakas mag ice cream ng mga bata, nauubusan ako kaya ayun minsan sinisiguro ko nang hindi ako mauubusan :-)

Ang malimit kong bilhin ay selecta, kasi dito sa may kanto namin eh Selecta ang ice cream nila. Sa malapit na gasolinahan eh merong convenience store na nag-carry ng nestle ice cream pero malaki ang patong nila kaya dun ako sa tindahan bumibili at selecta ang binibili ko.

(Photo courtesy of http://www.CertifiedFoodies.com)

Nuong una eh dahil sa presyo kaya selecta ang binibili ko. Malimit kong bilhin yung 3 in 1 nila kasi tatlong flavors agad sa isang 1.5 liters na lagayan. Pero nung lumabas yung 3 in 1 plus 1 yun naman.

Nitong summer kung hindi ako nag kakamali ay lumabas yung super thick nila at yung overload. Kaya ayun naman ang tinangkilik namin. Ang gusto ko sa overload eh yung dalawa ang flavors, double dutch and choco almond fudge pag wala nun eh dun naman ako sa cookies and cream at rocky road. Mas gusto ko yung una kasi yung rocky road walang almond nakakabitin. Meron namang peanuts pero mas natutuwa ako sa almond.
(Photo Courtesy of http://www.janasgrocery.com/)

Minsan naman eh napapabili din ako ng nestle, siguro mga three weeks ago eh bumili ako ng talong flavors ng Nestle sorbetes, gusto ko kasing matikman yung iba-ibang flavors. Ayun hindi kami nasarapan. Dito sa bahay malalaman mong masarap yung ice cream kasi hindi nag-tatagal. Pag hindi masarap eh inaabot ng tatlo o apat na araw eh nasa freezer parin. Pero yung mga medyo high-end flavors ng Nestle nagustuhan ni misis. Sa akin eh ayos lang at mas masarap pa rin yung Selecta.

(Photo Courtesy of Kainpinoy.com)

Ang siste, nung lunes eh nag-eksperimento na naman ako. Nakita ko kasi yung patalastas ng magnolia. Sabi dun sa patalastas eh tikman daw yung sariling atin tapos ibinida nila yung tsokolate tableya, batangas kapeng barako at guimaras mangga.

Ayun sinubukan ko naman at bumili ako ng dalawang container yung flavors eh tsokolate tableya at saging at makapuno ng laguna.

Maganda naman ang packaging yung nga lang hindi masarap ang lasa. Parang sorbetes na mas smooth lang ng konti. Yung tsokolate tableya merong parang pinipig, eh ice cream yun diba e di ang siste hindi malutong yung pinipig, parang me kanin tuloy yung ice cream. Sana mani na lang ang isinama nila crunchy pa.

Tapos yung saging at laguna makapuno eh merong buo-buong saging..na saba.

Nang-hinayang ako kasi PHP 250 kada isa nun eh kung bumili ako ng Selecta na Overload pwede na sa apat na flavors yun.

Ayun kanina lang nauubos yung magnolia. Dahil dyan eh balik ang loyalty namin sa Selecta, panalo talaga!

Saturday, May 19, 2012

Smooth Ang Lasa Ng Grand Matador Brandy...Nakakagulat Sa Presyo Nitong 68 Pesos Lang.


Hindi na naman kami nagluto ng hapunan kagabi, kaya ayun bumili na lang ulit ako ng ulam sa labas. Dating gawi, dumiretso ako sa Chooks to go para sa manok nila. Walang liempo sa binibilhan kong chooks to go sa moonwalk dahil ayaw nilang mahaluan ng amoy karne ng baboy ang oven nila.

Gusto nilang pangalagaan ang mga customers nilang muslim kaya minabuti nilang wag nang magtinda ng liempo sa branch na ito ng chooks. Ayun napilitan tuloy akong pumunta sa kalapit na Andoks para bumili ng liempo.

Habang nag hihintay sa pila ng bumibili sa andoks, nakita ko ang mga tinitinda nilang refreshments at alcoholic drinks. Sa bandang taas ay namataan ko ang bote ng Grand Matador na long neck. Nagka-interes ako kasi me free na shot glass. Nakakatuwang tingnan.

 Hindi ako likas na umiinom. Halos hindi ko na maalala kung kailan ako huling nalasing. Paminsan-minsan ay umiinom ako ng isa o dalawang bote ng Tanduay Ice pero hindi ito malimit. Bihira din akong uminom ng hard dahil napapaitan ako sa lasa.

Simula pa noon ay hindi ko na nagustuhan ang lasa ng hard drinks. Masyado kasing mapait. Yun ang pinaka dahilan kung kaya hindi ako naging malakas sa inuman. Pero kagabi na curious ako sa Grand Matador. Tinanong ko sa tindero kung magkano yung long neck kasi yun yung merong free shot glass. 68 Pesos lang daw.

Ayun bumili na rin ako ng isang long neck. Bumili rin ako ng dalawang pakete ng Nestea iced tea mix. Naisip kong gumawa ng iced tea para me chaser. Ayun pag-uwi ko e binuksan ko na yung grand matador. Hinugasan ko yung shot glass at nag-shot na ako.

Medyo nagulat ako ng malasahan ko yung grand matador. Kasi hindi sya masyadong mapait, hindi katulad ng Fundador talagang matapang. Ang naalala ko lang na ganito rin ka smooth inumin ay Hennessy Cognac (http://en.wikipedia.org/wiki/Hennessy)

Naka apat na shot ako ng Grand Matador kagabi at medyo tinamaan ako. Nakakatuwa lang kasi talagang smooth yung Grand Matador.

Sa napaka-murang halaga hindi mo aakalain na kumpara sa mga mamahaling brandy eh mas smooth sya. Saludo ako sa Ginebra San Miguel ang gumawa ng Grand Matador!